^

Police Metro

‘Micro hub’: Bagong estilo ng scammer -- Remulla

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko si Interior and Local Go­vernment Secretary Jonvic­ Remulla sa bagong sistema ng mga scammer na “micro hub” upang itago ang ka­nilang operasyon.

Ayon kay Remulla, nangungupahan na lamang sa maliliit na bahay ang  mga sindikato kaya tina­tawag na “micro hub”  kung saan 10 hanggang 20 katao lamang ang kapasidad at hindi tulad noon na libo-libong scammer ang nagtatrabaho sa iisang gusali.

Nabatid na tinututukan ng mga otoridad ang tatlong aktibong micro scam hub sa Metro Manila na umano’y may kaugnayan sa mga sinibak na pulis at sundalo.

Hindi pa tinukoy ng ka­lihim ang pagkakakilan­lan at bilang ng mga dating pulis at sundalong hinihi­­na­lang sangkot, habang nag­­papatuloy ang imbestigas­yon.

Patuloy din ang pagtugis sa mga naturang hub ka­sunod ng pagsalakay sa isang hinihinalang scam hub sa Zamboanga Si­bugay noong Oktubre 2, na nagresulta sa pag-aresto at pagsagip sa 244 na dayuhan na ka­ramihan ay Chinese.

Kinumpirma rin ni Remulla na mga dayuhan ang nagpapatakbo sa mga micro hub, ngunit may mga Pilipinong katuwang ang mga ito.

Kabilang sa umano’y gi­nagamit na tauhan ng mga operator ang mga sinibak na pulis at sundalo.

JONVIC­ REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with