^

Police Metro

DMW handa sa posibleng evacuation, repatriation

Mer Layson - Pang-masa

Sa nagaganap na gulo sa France, Italy

MANILA, Philippines — Handa ang Department of Migrant ­Workers (DMW) para sa posibleng evacuation at repatriation ng mga Pilipinong apektado ng mga protesta sa France at Italy.

Nag-alok ang ahensiya ng ilang maikling pamagat para sa balita, tulad ng “DMW, handang ilikas ang mga Pinoy sa France at Italy” at “Protesta sa Europe: DMW, handa sa repatriation ng mga OFW.”

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nagbukas na sila ng komunikasyon at help lines para sa mga Pinoy na na­ngangailangan ng tulong.

Siniguro naman ni Cacdac na walang Pinoy na matinding naapektuhan ng mga tensiyon na nagaganap nitong nakalipas na ilang araw sa mga naturang bansa.

Aniya, sa ngayon ay humupa na ang mga tensiyon at kontrolado na ng law enforcement.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa mga embahada ng Pilipinas sa Paris at Rome at sa Consulate General’s Office sa Milan.

EVACUATION CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with