3 miyembro ng pamilya, minasaker!
MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos silang pasukin sa bahay at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Brgy. Buenavista, Murcia, Negros Occidental kamakalawa.
Kinilala ang mga biktima na sina Josefina, 60, at mister niyang si Nelde, 59, at kanilang anak na si Juvy, 33-anyos.
Sa report ng Police Regional Office (PRO) 6, bandang alas-6 ng gabi noong Huwebes nang makarinig ng mga putok ng baril ang mga kapitbahay ng mag-anak. Gayunman, nitong Biyernes bago mananghali ay nadiskubre ang bangkay ng tatlo na naliligo sa dugo sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan.
Sa pahayag ng mga kapitbahay ng mag-anak, wala silang alam na kaaway ng mga ito para magtanim ng matinding galit at paslangin ang tatlo.
Agad na nagresponde ang mga operatiba ng pulisya nang mabatid ang insidente at iprinoseso ang crime scene.
- Latest





















