^

Police Metro

PCG nadale uli ng cyber attack!

Ludy Bermudo - Pang-masa

Security breach sisilipin ng DICT

MANILA, Philippines — Nabiktima muli ng “cyber attack” sa ikaapat na pagkakataon ngayong taon ang Facebook page ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes Santo.

Kinumpirma ito ni PCG Spokesperson CG Rear Admiral Armand Balilo nang tanungin ng media hinggil sa isang “unknown entity” na nakakuha ng access sa FB page ng PCG bandang alas-12:30 ng hapon nitong Marso 29.

Dalawang “maliscious short videos” na naka-post ang nakita nang oras na ma-hack ang FB page, na mino-monitor ngayon ng Coast Guard Public Affairs (CGPAS).

“The CGPAS is now coordinating with the Cybercrime Investigation and Coordinating Center under the Department of Information and Communications Technology (DICT) to conduct backend operations and assess the security breach,” sa inilabas na pahayag ng PCG.

Ang pinakahuling pag-atake noong Pebrero 26, 2024 ay katulad rin ito sa ginawa ng “unknown entity” na nag-upload ng dalawang maikling video at nawalan ng access ang PCG sa FB page nito na nabawi lamang noong Peb. 29, 2024.

Nabatid na Peb. 15 nang ma-hack din ang X (dating Twitter) page ng PCG, na nabawi rin makaraang ang ilang oras.

Kinumpirma rin ng DICT noong Peb. 3 na isa ang website ng PCG sa iba pang mga website ng gobyerno na nabiktima ng mga cyber attacks na ginawa mula sa isang internet protocol address na natunton sa isang lokasyon sa China.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with