^

Police Metro

Mister todas, misis sugatan sa ambush

Ed Amoroso, Mer Layson - Pang-masa
Mister todas, misis sugatan sa ambush
Namatay noon din ang isang mister habang nasugatan ang kanyang misis nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Soliven Avenue, Barangay Mayamot, Antipolo City, Rizal, ka­makalawa ng gabi.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang mister habang sugatan naman ang kanyang misis nang tambangan at pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa Antipolo City sa Rizal, nabatid kahapon.

Dead-on-the spot si Abad Antonius Lazaro habang nagtamo naman ng sugat sa hita ang kanyang asawang si Grace, at nilalapatan na ng lunas sa pagamutan.

Nakatakas naman ang mga salarin na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, nabatid na, alas-6:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa VV Soliven St., Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Lulan ang mag-asawa  ng kanilang Honda Jazz sedan, na may plakang ZCH-398, at patungo sa direksiyon ng Sumulong Highway nang mapahinto sila sa isang intersection sa lugar.

Dito na umano sila biglang nilapitan ng mga suspek at pinaulanan ng bala.

Nang makitang napuruhan ang target ay mabilis na tumakas ang mga salarin.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at matukoy ang motibo nila sa likod nito.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with