^

Police Metro

Private tutor tinadtad, tinapon sa ilog!

Joy Cantos, Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pang-masa
Private tutor tinadtad, tinapon sa ilog!
Agad nagbuo ang pulisya ng search and retrieval team para sisirin ang ilog at matapos ang ilang minuto ay nakitang nasa ilalim nga ang bangkay ng biktima. Nakitang tadtad ito ng hindi pa matiyak na bilang ng saksak sa likod at iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/ FIle

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang private tutor na miyembro umano ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Queer (LGBTQ) community matapos na tadtarin ng saksak at inihulog pa sa ilog ang kanyang bangkay sa Sitio Tipaz Sulok, Barangay Tipaz, San Juan, Batangas, kamakalawa

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arcel Regio, nasa 44-50 anyos at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report ng San Juan Police, nadiskubre ang bangkay ni Regio na nakalubog sa tubig ng Malaking Ilog River sa Barangay Tipaz dakong alas-12:10 ng tanghali nitong Biyernes.

Ayon sa kapatid nito na si Donald Regio na siyang nakatunton sa bangkay, hinanap niya ang kapatid matapos na hindi na nakauwi sa kanilang bahay simula nang umalis dakong alas-3:00 ng madaling araw ng Biyernes matapos na sunduin ng isang lalaki at sumakay sila sa motorsiklo.

Sa paghahanap sa kapatid, nakita nito ang mga bakas ng dugo mula sa barangay road hanggang sa damuhan na humantong sa riprap sa gilid ng ilog.

Agad nagbuo ang pulisya ng search and retrieval team para sisirin ang ilog at matapos ang ilang minuto ay nakitang nasa ilalim nga ang bangkay ng biktima. Nakitang tadtad ito ng hindi pa matiyak na bilang ng saksak sa likod at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naging pahirapan sa mga reponder ang pag-aahon sa biktima na ginamitan pa ng lubid para maiakyat sa mataas na pampang.

Iniimbestigahjan naman ng mga pulis ang isang lalaking kabarangay nito na umano ay siyang boyfriend ng biktima. Pero hindi matiyak kung ito ang lalaking sumundo dito noong madaling araw.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang isang kutsilyo at isang icepick na hinihinalang ginamit sa krimen.

vuukle comment

LGBTQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with