^

Police Metro

40% PUJs sa NCR na nakasunod sa consolidation deadline

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 40% ng Public Utility Jeepneys (PUJs) sa National Capital Region (NCR) at 70% nationwide, ang nakapag-consolidate na sa ilalim ng Public Uti­lity Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ito ang iniulat kahapon ni Department of Transportation (DOTr) -Office of Transportation Cooperatives chairperson Jesus Ferdinand Ortega, inaasahang sa mga susunod na araw ay ilalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pinal na bilang nito sa mga susunod na araw.

Matatandaang nagtapos na nitong Disyembre 31, 2023, ang aplikasyon para sa konsolidasyon ng mga jeepney operators bilang kooperatiba o korporasyon.

Una nang idineklara ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi na nila palalawigin ang deadline nito.

Ang mga mabibigong mag-aplay sa konsolidasyon ay hindi na umano papayagan pang mag-operate simula Enero 1, 2024, partikular na ang mga rutang nasa 60% ng PUVs ang nakapagsumite ng aplikasyon.

Ang mga mag-o-ope­rate naman sa mga ruta na mas mababa sa 60% ang konsolidasyon, ay papa­yagan pa ring makabiyahe hanggang sa Enero 31.

Upang maiwasan ang krisis sa transportasyon, ang mga consolidated operators ay maaaring mag-aplay ng special permits at mag-deploy ng kanilang mga jeepneys sa mga apektadong lugar.

vuukle comment

PUBLIC UTILITY JEEPNEYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with