Amnesty Proclamations ni Marcos, pinuri ni Gadon
MANILA, Philippines — Pinuri ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pag-iisyu nito ng mga Proclamations Orders na nag-aalay ng amnestiya para sa mga miyembro ng mga rebolusyunaryong kilusan.
Ang mga proklamasyon ni Marcos, Bilang 403, 404, 405, at 406 para sa mga dating kausapin ng New People’s Army, Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF) at ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB) ay patunay na sinsero ito na makamit ang pagkakaisa, katarungan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Anya, ang ‘amnesty’ na inilabas ni PBBM ay magsisilbi ring tulay hindi lamang sa kapayapaan sa bansa kung di pati sa pag-aangat ng antas ng kabuhayan ng maraming Filipino upang maialis sila sa kahirapan at kagutuman.
Pinatunayan naman ito aniya ng survey na naglalahad na unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga nagugutom na mga Filipino nitong mga nagdaang mga buwan.
- Latest