Sanggol, napugutan ng ulo habang iniluluwal

MANILA, Philippines — Isang sanggol na babae ang naputulan ng ulo habang iniluluwal ng kaniyang ina sa isang private clinic sa Puerto Princesa City, Palawan.

Sa ulat, ipinaliwanag umano ng clinic na tatlong araw nang patay ang sanggol sa sinapupunan ng ginang.

Pero ayon sa ama ng sanggol,  sinabi umano nito na nagpasuri ang kaniyang asawa bago manganak at nalaman lang umano nila na putol ang ulo ng sanggol nang imbalsamuhin na ito.

Walang tugon ang clinc nang hingan ng pahayag tungkol sa nangyari.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya tungkol dito.

Show comments