^

Police Metro

Impeachment vs VP Duterte, fake news

Joy Cantos - Pang-masa
Impeachment vs VP Duterte, fake news
Vice President Sara Duterte-Carpio gives the keynote address during the "Tribute to soldiers" awards ceremony at The Manila Hotel, Rizal Park, Ermita in Manila on Aug. 28, 2023.
Inday Sara Duterte / Facebook

MANILA, Philippines — Fake news at intriga lamang umano ang kumakalat na tsismis hinggil sa planong pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara de Representantes.

Ayon kay   House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix “ Da­lipe , tsismis at walang basehan ang nasabing isyu na makakasira lamang sa pagkakaisa sa pulitika.

Sinabi ni Dalipe na espekulasyon lamang umano ang sinasabing plano ng mga lider ng Kamara na ipa-impeach si Vice President Sara.

Inihayag ni Dalipe na sa katunayan aniya ay may mga nagpapalutang din ng isyu na planong tumakbo ni Speaker Martin Romualdez na Presidente sa 2028 national elections.

Sa panig naman ni ACT CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, Deputy Majority Leader for Communications na ang kumakalat na isyu ay intriga lamang umano at walang katotohanan.

“This morning, I reached out to leaders, including Cong. Zaldy (Co) and the Speaker, to address rumors circulating in Congress. However, there is no substance to these discussions; no such thing has been deliberated among party leaders or the House leadership,” pahayag pa ni Tulfo sa mediamen na iginiit na walang substance ang impeachment laban kay VP Sara.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with