^

Police Metro

Ginang na angkas sa motor todas sa trak

Michelle Zoleta, Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang 26-anyos na ginang na angkas sa minamanehong motorsiklo ng kanyang mister nang mabangga ng sumusunod sa kanilang wing van truck sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Binutas, Calauag, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nasawi dahil sa grabeng kapinsalaan sa ulo ay kinilalang si Judy Ann Laude, habang nagtamo naman ng minor injuries ang kanyang mister na seaman na si Kristian Mark Aringo, 31 at sa kabutihang palad ay hindi nasaktan ang kanilang 3-anyos na anak na si “Mark”, mga residente ng Barangay Hagakhakin, Gumaca, Quezon.

Sa ulat ng pulisya, minamaneho ni Kristian ang isang Honda Click 160 motorcycle, alas-3:20 ng hapon at nakaangkas ang kanyang mag-ina at habang binabagtas ang Maharlika highway ay nagpreno si Kristian dahil sa ginagawang parte ng kalye gayunman ay nabangga sila ng sumusunod na wing van truck (NGA 5935) na minamaneho ni Maycael Burce Mabilangan, 38.

Dahil sa pangyayari ay tumilapon ang mag-anak at napuruhan ang babae habang nagtuluy-tuloy na inararo ng track ang isang nakaparadang raider motorcycle at isang bahay sa gilid ng kalye.

Ikinatuwiran ng tsuper ng trak na dahil sa basang kalye ay hindi kumagat ang preno ng kanyang minama­neho kung kaya’t nabangga ang dala­wang motorsiklo at bahay. Nahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng trak.  

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with