^

Police Metro

Mag-ama tinodas ng mag-utol

Cristina Timbang - Pang-masa
Mag-ama tinodas ng mag-utol
Kinilala ang mag-amang nasawi na sina Alfredo de Lima at anak na si Ronaldo, 23, kapwa residente ng nasabing lugar.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead on arrival ang mag-ama matapos ataduhin ng saksak ng magkapatid dahil lamang sa away mag-asawa, kama­kalawa ng hapon sa Brgy. Maliksi 1, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mag-amang nasawi na sina Alfredo de Lima at anak na si Ronaldo, 23, kapwa residente ng nasabing lugar.

Tinutugis naman ng pulisya ang magkapatid na suspek na nakilala lamang sa mga alias na Harry at Tuyo, kapwa bayaw ng biktimang si Ronaldo.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang krimen, alas-3:30 ng hapon ay ina­bangan  na umano ng magkapatid­ na suspek ang bayaw nilang si Ronaldo upang komprontahin sa ginawa nitong pananakit umano sa kanilang kapatid.

Pagtapat ni Ronaldo ay walang kaabug-abog na undayan ng mga saksak sa katawan na nasaksihan naman ni Alfredo sa ginawa sa anak.

Kung kaya tumakbo ito palapit upang awatin ang magkapatid na suspek, subalit maging siya ay  pinagsasaksak din.

Bago umano bumulagta ang biktima ay may naihagis pa itong isang bagay na biglang pumutok dahilan upang tumama sa naglalakad na batang biktima.

Ayon sa pulisya, nag-ugat ang krimen matapos na umano’y magsumbong sa dala­wang suspek ang kanilang kapatid na babae na asawa ni Ronaldo hinggil sa di umano’y panana­kit sa kanya.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with