^

Police Metro

Marcos, pamilya bumisita sa puntod ng ama

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binisita kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang puntod ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Isang misa ang idina­os sa harap ng puntod kung saan dumalo ang ina ng Pangulo na si da­ting ­unang gi­nang Imelda Marcos, Senator Imee Marcos, Irene Marcos-Araneta  at iba pang mga miyembro ng pamilya.

Dumalo rin sa misa ang ilang taga-suporta ng Pa­ngulo na pinangu­nahan ni Father Roy Onggao, Army Chief Chaplain.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Marcos na kaisa siya sa komunidad ng mga Katoliko para sa paggunita ng undas.

Sinabi rin ni Marcos  na ang pagsunod ng mga Pilipino  sa banal na obligasyong ito sa nakalipas na mga siglo ay nagbunga ng mga tradisyon na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin  na nagpapakita  ng mayamang kultura ng mga pilipino, kabilang na aniya rito ang pagbibigay halaga sa pananampalataya at pamilya.

Ayon pa sa pangu­lo, nagsisilbi na rin itong pagkakataon para ma­ka­sama muli ang ating mga mahal sa buhay.

Sa panahong ito, sinabi ng Pangulo na mahalagang mapagnilayan natin ang layunin at ang ating walang hanggang pa­nga­ngailangang gabay ng Panginoon.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with