^

Police Metro

‘State of emergency’ sa Batangas, ikinakasa

Joy Cantos - Pang-masa
�State of emergency� sa Batangas, ikinakasa
Ito’y sa gitna na rin ng patuloy na monitoring  sa mga kaganapan sa Taal volcano matapos itong magbuga ng smog na nakaapekto sa himpapawid ng lalawigan kung saan una nang inalerto ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director at Office of Civil Defense (OCD) Administrator Ariel Nepomuceno ang mga lokal na opisyal sa lalawigan.
STAR/ File

Sa nag-aalburotong Taal volcano

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng mga lokal na opisyal ng Batangas ang pagsasailalim sa lalawigan sa “state of emergency” dahil sa matinding epekto ng makapal na volcanic smog o vog mula sa Taal volcano.

Ito’y sa gitna na rin ng patuloy na monitoring  sa mga kaganapan sa Taal volcano matapos itong magbuga ng smog na nakaapekto sa himpapawid ng lalawigan kung saan una nang inalerto ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director at Office of Civil Defense (OCD) Administrator Ariel Nepomuceno ang mga lokal na opisyal sa lalawigan.

Sinabi ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na ang pagpalalagay sa state of emergency sa Batangas ay makatutulong para magamit ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang lalawigan ang disaster at emergency funds para makapaghatid ng tulong sa kanilang mga constituents.

Ayon kay Leviste habang pinag-aaralan ng mga opisyal ng Batangas ang pagsasailalim sa kanilang lalawigan sa state of emergency dulot ng smog ay hinihintay rin nila ang magiging rekomendasyon ng iba pang  mga ahensya ng gobyerno.

Aniya, kung titindi pa ang sitwasyon habang nasa state of emergency ay posibleng magpatupad ng pansamantalang pagkansela ng pasok ng mga estudyante gayundin ang muling pagbabalik ng modular at online lear­ning.

Bunsod ng makapal na smog o vog sa himpapawid, ilang bayan sa Batangas ang na­ging “zero visibility” ng halos dalawang araw habang maraming residente ang nagbabara na ang paghinga matapos malanghap ang nasabing vog mula sa Taal volcano.

Ang Batangas Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ay agad namang kumilos at namahagi ng nebulizers, pulse oximeter at naghatid ng tulong sa mga estud­yante na dumaing na nahihirapang huminga nitong Biyernes.

vuukle comment

OCD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with