P5.768 trilyong national budget target aprubahan bago mag-Oktubre
MANILA, Philippines — Bago ang break sa Oktubre ay target ng House of Representatives na aprubahan ang panukalang pambansang badyet para sa 2024.
“May balita na ang BBM ay magsusumite ng ating 2024 budget, [national] expenditure program, a week after SONA. Kapag nangyari ‘yan, sigurado na tatapusin natin yung budget before the break, our October break,” ani House Speaker Martin Romualdez.
Nauna nang inaprubahan ng Pangulo ang panukalang P5.768-trillion budget para sa susunod na taon, na 9.5% na pagtaas mula sa 2023 na P5.268 trilyon.
Sinabi ng Department of Budget and Management na plano nitong isumite ang panukalang pambansang badyet sa Kongreso “ilang linggo” pagkatapos ng ikalawang State of the Nation Address ni Marcos nitong Hulyo 24.
Idinagdag niya na ang mabilis na pagpasa ng panukalang 2024 national expenditure program ay magbibigay-daan kay Marcos na maisabatas ito sa Disyembre.
- Latest