^

Police Metro

Bebot na 2 buwang buntis, dedo sa rider

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 24-anyos na babae na dalawang buwang buntis matapos barilin sa noo habang naglalakad ng gunman na nakamotorsiklo kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasa­wing­ biktima na si Diane Erica Prado, nakatira sa Aroma Compound, Tondo, Maynila.

Sa ulat, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang makunan ng CCTV na naglalakad ang biktima sa isang eskinita sa Aroma Compound.

Paglagpas sa CCTV ay dito na binaril ang biktima ng isang lalaki na nakasuot ng motorcycle helmet at mabilis ring tumakas.

Nagtungo sa lugar ang ama ng biktima na si Joselito at nakita ang nakabulagtang anak.

Ayon sa kasama ng biktima na hindi niya na­kilala ang gunman dahil­ sa suot na helmet na agad sumibat matapos ang pamamaril.

May apat na person of interest ang natukoy ng pulisya sa krimen.

vuukle comment

PREGNANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with