^

Police Metro

Apela ni Herbert Bautista, na ibasura ang P25 milyon kasong graft, tablado sa Sandiganbayan

Mer Layson - Pang-masa
Apela ni Herbert Bautista, na ibasura ang P25 milyon kasong graft, tablado sa Sandiganbayan
Batay sa 18-pahinang resolusyon na inilabas kahapon, ibinasura ng Third Division ng Sandiganbayan dahil sa kawalan ng merito ang motion to quash the case information o charge sheet na isinumite ni Bautista at humihiling na i-dismiss ang inihaing kasong paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act 3019 o The Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa kanya.
STAR / File

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na idismis ang kinakaharap na kasong graft, kaugnay ng umano’y maanomalyang solar po­wer system at water­proofing project noong 2019 na nagkakahalaga ng P25.342 milyon.

Batay sa 18-pahinang resolusyon na inilabas kahapon, ibinasura ng Third Division ng Sandiganbayan dahil sa kawalan ng merito ang motion to quash the case information o charge sheet na isinumite ni Bautista at humihiling na i-dismiss ang inihaing kasong paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act 3019 o The Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa kanya.

Nabatid na walang nakitang merito ang ikatlong dibisyon sa pahayag ni Bautista na nalabag ng Office of the Ombudsman ang kanyang constitutional right to speedy disposition of cases, nang abutin ng tatlong taon bago matapos ang imbestigasyon nito at isampa ang kaso sa hukuman.

Tinukoy rin naman ng hukuman ang serye ng lockdowns na ipinatupad ng pamahalaan sa kasagsagan ng pandemya sa COVID-19 na maaaring nakaapekto sa imbestigasyon.

Idinagdag pa ng hukuman na ang iba pang argumento na tinukoy ni Bautista sa kanyang mosyon, gaya ng kawalan ng bad faith o malisya sa pag-apruba sa paglalabas ng kabayaran para sa proyekto at ang umano’y kawalan ng iregularidad sa proseso ng bidding at procurement ay pawang depensa na nangangaila­ngan ng presentasyon ng ebidensiya na akma sa isang full-blown trial.

Ang resolusyon ay ini­akda ni Associate Justice Bernelito Fernandez na may pagsang-ayon nina Associate Justice Ronald Moreno at Sandiganbayan Presiding Justice at Third Division chairperson Amparo Cabotaje-Tang.

Nag-ugat ang kaso sa pagbabayad ng P25.342 milyon sa Cygnet Energy Power Asia Inc. (Cygnet) para sa umano’y maano­malyang instalasyon ng solar power system at waterproofing works sa Civic Center Building ng city hall. - Joy Cantos

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with