Sunog sumiklab sa Divisoria, P480K ari-arian naabo
MANILA, Philippines — Sumiklab ang sunog sa isang commercial building sa Divisoria market, sa panulukan ng CM Recto Avenue at Sto. Cristo St., Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Manila, dakong alas-10:30 ng umaga nang masunog ang Gold Rich General Merchandise/Sun City store na pag-aari ni Amy Co na nasa ika-limang palapag ng Pam Building.
Nabatid na umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog bago idineklarang fire-out alas-12:27 ng hapon.
Walang naitalang nasawi o nasaktan sa insidente bagama’t nakapinsala sa may P480,000 na halaga ng mga ari-arian.
Umabot sa 40 fire trucks ng BFP at fire volunteers ang nagtulong-tulong kaya mabilis na naapula ang apoy.
- Latest