Kandidato sa BSKE boluntaryo lang ang drug test — Comelec

Ito ay matapos hamunin ni Interior and Local Go­vernment Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato na sumailalim sa drug test. Nilinaw ng Comelec na hindi maaaring iutos sa mga kandidato na magpa-drug test dahil hindi naman ito kasali sa requirements maliban na lang kung boluntaryong magsusumite ang isang kandidato.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na kusa lang ang pagsusumite ng negative drug testing certificate ang sinumang kandidato sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ay matapos hamunin ni Interior and Local Go­vernment Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato na sumailalim sa drug test. Nilinaw ng Comelec na hindi maaaring iutos sa mga kandidato na magpa-drug test dahil hindi naman ito kasali sa requirements maliban na lang kung boluntaryong magsusumite ang isang kandidato.

“Wala naman po makakapigil sa ating mga kandidato na kung mismong sila, boluntaryo po, na ipapakita, ibibigay sa Comelec ‘yung kanilang negative drug testing certificate,”

Aniya, kamakailan ay naglabas ng desisyon ang Korte Suprema na hindi maaring dagdagan ng Comelec ang requirements maliban sa nakasaad na sa Saligang Batas.

Show comments