^

Police Metro

Voter’s registration, hanggang ngayon na lang - Comelec

Danilo Garcia - Pang-masa
Voter�s registration, hanggang ngayon na lang - Comelec
Dinagsa kahapon ng mga tao at mahaba ang pila sa loob ng isang mall sa Malabon, isang araw bago ang huling araw ng voter’s regis­tration para sa Ba-rangay at Sangguniang Ka­bataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Hanggang ngayong Martes na lang ang huling araw ng pagpapatala ng mga botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 2023, ayon sa paalala ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko kahapon.

Nabatid na nitong Disyembre 12, 2022 nang buksan ng Comelec ang voter’s registration na nakatakdang magtapos ngayong Enero 31, 2023. 

Sinabi ng Comelec na wala na silang planong palawigin pa ang voter’s registration dahil sa sapat na umano ang panahon na ibinigay nila para sa mga first time voters na magparehistro.

Sa kabuuan, nasa 2,085,142 sari-saring aplikasyon na ang natanggap ng Comelec. Sa naturang bilang, nasa 1,248,607 ang natanggap nilang aplikasyon para sa “new registration”.

Nasa 582,299 ang mga nasa edad 15-17 na maaaring makaboto sa SK elections, nasa 534,553 naman ang may edad 18-30 at 117,970 ang may edad 31-pataas.

Nasa kabuuang 637,424 aplikasyon para magpa­lipat ng rehistrasyon kasama na ang pagbabago sa kanilang mga entries ang natanggap din ng Comelec, habang nasa 100,104 aplikasyon para sa “reactivation” ang naitala.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with