^

Police Metro

Mister iniwan ng lover, hinostage ang 4 na pamangkin

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na kabataan ang hinostage ng kanilang tiyuhin matapos maaburido nang hiwalayan ng kanyang live in partner, naganap kamakalawa ng hapon sa Sta. Ana, Maynila.

Nailigtas ng mga otoridad ang mga biktima na sina Jay Ann Pila, 26; Alexis Ilagan, 18; Alexander Ilagan, 15; at Charlotte Yanos, 16, pawang naka­tira sa No. 605 Champaca St., Punta, Sta. Ana, ng  lungsod.

Sa ulat, alas-3:00 ng hapon nang umpisahang bihagin ng suspek na si Robert Buhisan, 34, ang kaniyang mga pamangkin sa loob ng bahay habang armado ng isang gunting.

Habang hostage ang mga pamangkin ay nana­wagan ito na ma­ki­pag­balikan sa kaniya ang kaniyang dating kinakasama.

Nakipagnegosasyon ang mga pulis sa suspek sa pangunguna ni PLtCol Orlando Mirando Jr., katuwang si MPD Director PBGen Andre Dizon.

Nang makakuha ng ti­yempo ay nagawang madakma ng mga pulis ang suspek at natapos ang hostage drama.

Nabatid na sumasaila­lim umano sa depresyon ang suspek nang layasan ng kaniyang live-in partner ilang buwan na ang nakalilipas.

vuukle comment

HOSTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with