^

Police Metro

RPMD: 3 alkalde sa Ilocos Region angat sa pagganap ng tungkulin

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa inilabas na survey kahapon ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ay tatlong alkalde sa Ilocos Region ang angat sa paglilingkod sa ka­nilang nasasakupan.

Itinanghal na top-per­forming local chief executive si Candon City Mayor Eric D. Singson na nakakuha ng 94% na isa sa dahilan ay ang pagtatayo ng Medical Center at Candon City Arena, pag­likha ng Micro Finance Program na nagbibigay ng mababang interes na pautang sa mga magsasaka at small and medium enterprises (SMEs).

Si Laoag City Mayor Michael Keon Marcos ay nakakuha ng 90%; San Carlos City Mayor Ayoy Resuello -86%; Urdaneta City Mayor Rommy Parayno III-85%; Batac City Mayor  Albert Chua -83 porsyento.

Ang bawat Alkalde ng lungsod ay tinaas ng ka­nilang mga nasasakupan at niraranggo batay sa mga rating­ na kanilang natanggap. Ang mga responsibilidad ng mga alkalde ay malawak at sumasaklaw sa iba’t ibang tungkulin, kabilang ang pa­giging lokal na punong ehekutibo, pangangasiwa at pagpapatupad ng lahat ng mga patakaran at programa, proyekto at serbisyo ng lokal na pamahalaan, at pagsisilbi bilang pinuno ng konseho ng lungsod, kabilang ang pagpapatupad ng mga batas at ordinansa na nauukol sa pangangasiwa ng lungsod.

Ang survey ng Rehiyon­ ng Ilocos ay bahagi ng pam­bansang botohan na “RPMD’s Boses ng Bayan” na isinagawa noong Nobyembre 27-Disyembre 2, 2022 na isinagawa bawat lungsod sa bawat rehiyon na may 10,000 respondents.

vuukle comment

REGION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with