^

Police Metro

DA bubusisiin ang pagpalo sa P300 kada kilo ng sibuyas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala umanong ideya ang Department of Ag­ri­culture (DA) kung bakit tumaas nang husto ang pres­yo ng sibuyas sa mga pamilihan.

Ngayon pa lang uma­no magsasagawa ng im­­bestigasyon ang DA matapos lumabas ang mga ulat na pumalo na sa P300 ang kada kilo ng pulang sibuyas.

“Ngayon po kami ay na­ki­kipag-ugnayan sa Bu­reau of Plant Industry (BPI) para makita po na­tin ang supply situation, para makita po natin ang ka­dahilanan ng pag-spike ng presyo,” wika ni DA Assistant Secretary at spokes­person Kristine Evan­gelista sa press briefing kahapon.

Sa datos ng DA, ang presyo ng pulang sibuyas ay umabot na sa P280 ka­da kilo sa mga pamilihan sa Metro Manila noong naka­raang Biyernes. Ang presyo nito noong Oktubre 25 ay P180 kada kilo.

Wala pa naman anyang plano ang pamahalaan na mag-import ng pulang si­bu­yas dahil mayroon pa namang aanihin ang mga magsasaka sa Disyembre.

vuukle comment

SIBUYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with