P10K ayuda sa mahihirap na Pinoy gawing realidad
MANILA, Philippines — Gawing realidad ang pagbibigay ng P10,000 ayuda sa nasa 12.4 milyong mahihirap na Pinoy.
Ito ang naging apela ng Makabayan bloc solon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil kung ang P10K ay “meme” lamang para sa mga nakaririwasa para sa mahihirap na pamilyang Pilipino ay malaking bagay ito sa gitna na rin ng tumataas na inflation kung saan sobrang mahal ng mga bilihin.
Bukod dito, sinabi ng mga militanteng mambabatas na nakadagdag pa sa binabalikat ng mga maralita ay ang serye ng mga bagyo na sumira at nakaapekto sa kanilang mga kabuhayan.
Sina Gabriela Womens Partylist Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers Partylist Rep. Raoul Manuel at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ay naghain ng House Joint Resolution (HJR) No. 13 na humihikayat kay Pangulong Marcos na agarang iimplementa ang P10K cash subsidy o ayuda sa tinatayang 12.4 mahihirap na pamilyang Pinoy.
Anya, sa gitna ng sobrang mahal ng mga bilihin ay hirap na ang ‘purchasing power’ ng mga mahihirap na Pilipino na maliit na ang kinikita.
- Latest