^

Police Metro

Ateneo campus shooting: Ex-mayor, 2 pa patay

Mer Layson - Pang-masa
Ateneo campus shooting: Ex-mayor, 2 pa patay
Nagsasagawa ang pulisya sa naganap na pamamaril sa loob ng campus ng Ateneo de Manila University na ikinasawi ng tatlong katao kabilang ang dating mayor ng Lamitan, Basilan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong katao kabilang ang dating alkalde ng Basilan, habang sugatan ang dalawa pa, nang pagbabarilin ng nag-iisang gunman na isang doktor, sa loob ng campus ng Ateneo de Manila University sa Brgy. Loyola Heights, Quezon City kahapon ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGEN Remus Medina ang mga nasawing biktima na sina dating Lamitan, Basilan Mayor Rose Furigay, kanyang Executive Assistant na si Victor Capis­trano at isang guwardiya sa Gate 3 ng Ateneo na hindi agad nakuha ang pangalan.

Kabilang sa sugatan ay ang anak ni Furigay na si Hannah Furigay, na nakatakda sanang magtapos ng abogasya, gayundin ang gunman na nakilalang si Dr. Chao Tiao Yumul, na dati na umanong kaalitan ng mga Furigay.

Batay sa report ng QCPD, alas-2:55 ng hapon nang maganap ang krimen sa parking lot ng unibersidad, na matatagpuan sa tapat ng Aretè Complex, malapit sa Gate 3.

Kadarating pa lamang sa lugar ang mga biktima para dumalo sa graduation ni Hannah nang bigla na lang sumulpot ang gunman at kaagad silang pagbabarilin gamit ang isang baril na may silencer.

Rumesponde naman ang guwardiya na noon ay naka-duty sa Gate 3 ngunit ­maging siya ay binaril ng suspek bago ito tumakas.

Ayon kay Medina, kinumander ng suspek ang isang sasakyan sa loob ng unibersidad kaya’t nagawa nitong makalabas ng campus at sa  pagtakas ay may mga nasagi itong mga sasakyan kaya’t hinabol siya ng mga taumbayan at pinagtulu­ngang gulpihin.

Nang makatakas muli ay saka ito nakorner ng mga pulis at naaresto.

Sinabi ni Medina na lumilitaw na may personal na alitan ang mga Furigay at si Yumul na nauwi sa pagsasampa ng kaso sa hukuman.

Hindi rin umano nakapagpraktis ng pagdo-doktor ang suspek dahil sa mga Furigay. Sinampahan pa ni Yumul ng kasong katiwalian si Furigay.

 Ani Medina, nagawang ipasok ng suspek ang dalawang baril nito dahil nakasakay lamang ito sa Grab at pagbaba ay nakihalubilo ito sa mga tao at nang mamataan ang target ay kaagad nang isinagawa ang krimen - Doris Franche

Related video:

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with