MANILA, Philippines — Inihayag ng OCTA Research base sa nakalap nilang datos noong Hunyo 25 hanggang Hunyo 29 na tumataas pa rin ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) at siyam na lalawigan.
Sinabi ni OCTA Research fellow, Dr. Guido David, tumaas sa 7.5 porsiyento ang positivity rate sa Metro Manila mula sa 6.0 porsiyento. Sa Cavite, naitala ang pinakamataas na positivity rate sa 13.2 porsiyento mula sa 5.9 porsiyento.
Sa lalawigan ng Rizal, bumaba sa 9.7 porsiyento mula sa 11.9 porsiyento ang positivity rate ng nakakamatay na sakit.
Bukod sa NCR, tumaas din ang positivity rate sa Laguna, Batangas, Pampanga, Benguet, Bulacan, Cebu, Davao del Sur, at Iloilo.
Batay sa World Health Organization’s (WHO), ang benchmark positive rate ay dapat hanggang 5 porsiyento lamang.