^

Police Metro

NTF-ELCAC sa magulang: Protektahan ang mga anak vs CPP-NPA!

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF- ELCAC) sa mga magulang na pro­tektahan ang kanilang mga anak na kabataan dahil ito ang target ng Communists Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na isama sa kanilang mga rally.

Sinabi ni National Intelligence Coor­dinating Agency (NICA) Director Ge­neral Alex Paul Monteagudo na pina­alalahanan niya ang mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak mula panghihikayat ng CPP-NPA at magsagawa ng crisis situation.

Binalaan rin ang kampo ni Vice President Leni Robredo na huwag magpagamit sa CPP-NPA-NDF na inutusan ng kanilang founder na si Jose Maria “Joma” Sison sa pamamagitan ng Central Committee ng grupo na magsagawa ng mga rally bilang protesta sa pagkakapanalo nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Bagama’t hindi tahasang sinasabi na may kinalaman si VP Robredo sa mga rally na nainorganisa ng CPP-NPA-NDF ay idinidikit ito sa pagkakatalo ng una na umano’y naniniwala na nadaya siya sa nakaraang halalan.

Nagpahayag naman si NTF-ELCAC acting spokesperson on Legal Affairs, na si Prosecutor 2, Flosemer Chris Gonzales na respetuhin na ang boses ng nakararami at kailangang magkaisa at magkasundo na ang lahat sa natapos na halalan.

vuukle comment

CPP-NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with