2022 elections, pinakamoderno sa buong mundo — PPCRV
MANILA, Philippines — Itinuturing ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pinakamoderno ang katatapos na eleksyon sa buong mundo na dapat umanong ipagmalaki ng bawat Pilipino.
Sinabi ni Myla Villanueva, national chairperson ng PPCRV, na ngayon lamang siya nakakita ng isang halalan na may 65 milyong nakarehistrong botante na may napakataas na ‘turnout rate’.
“Imagine that, 106,000 precincts, one person, one vote. When you feed that ballot into the machine, it’s consolidated and right away sent to what we call canvassing systems that add up your votes and show up on the boards,” ayon kay Villanueva.
Nagsasagawa ang PPCRV ng ‘parallel manual counting’ ng election returns sa loob ng University of Santo Tomas campus sa España, Maynila.
Sinabi naman ni PPCRV Co-IT Director William Yu, na mandato nila na bantayan at tukuyin ang mga hindi pagkakatugma sa mga election returns at iulat agad ito sa Commission on Elections (Comelec).
Sa kabila nito, hindi naman umano sila obligado na tapusin ang pagbibilang sa lahat ng presinto. Gagawin umano nila ito hanggang sa may dumarating na ERs at may nagpapakita na mga volunteers nila.
- Latest