^

Police Metro

Ayuda sa seniors at PWD gawing P1K

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatrabahuhin ng ACT-CIS Partylist na madagdagan ang ayuda para sa mga indigent senior citizens sa bansa.

Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, “sa kasalukuyan, P500 lang ang natatanggap na ayuda buwan-buwan ng mga indigent senior citizens natin at PWD.”

Ang budget ay nanggagaling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ipinamamahagi sa mga matatanda at PWD. “Madami pong mga PWD at senior ang luma­lapit sa amin para lang sabihin na kulang na kulang ang P500 para pambili nila ng pagkain o maintenance kada buwan,” ani Yap.

“Pagbalik namin sa kongreso ito ang mga unang panukalang batas na aatupagin ng aming mga kasamahan,” dagdag pa ni Yap.

Paliwanag pa ni Yap, hihingin nila sa Committee on Appropriations ng kongreso na dagdagan ang pondo ng DSWD sa susunod na taon para sa ayuda ng mga senior at PWD.

vuukle comment

FINANCIAL ASSISTANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with