^

Police Metro

Bulacan Gov., mga kaalyadong opisyal, inendorso si Robredo

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pormal nang inendorso ni Bulacan Governor ­Daniel Fernando at ng mga kaalyado nitong lokal na opisyal si Vice President Leni Robredo para sa pagkapangulo.

Sa isang pulong balitaan kahapon sa Bara­soain Church sa Malolos ay sinabi ni Fernando na naniniwala siya sa tapat na pamumuno at tunay na pagmamalasakit ni Leni para sa mga Pilipino.

“Ang aking ipapahayag sa araw na ito ay walang halong ibang motibo maliban sa pagtindig sa prinsipyo para sa ikabubuti ng ating mga kababayan,” wika ni Fernando.

“Ako po ay taos-pusong naniniwala sa matapat at mapanagutan at mapagkalingang serbisyo, serbisyo publiko ng lider na ito. Napagtanto ko po na nasa kaniya ang puso, talino, at katatagan na maiaangat ang pamumuhay ng bawat Pilipino,” dagdag niya.

Diin pa ni Fernando, sa lahat ng tumatakbong pa­ngulo, si Robredo lang ang pasok sa kwalipikasyon para mamuno sa bansa dahil sa kaniyang malinis na track record at walang bahid ng korapsyon.

Nagpasalamat naman si Robredo na pagtindig ni Fernando at sa mga lokal na opisyal sa Bulacan sa kabila ng magkakaiba nilang partido sa ngalan ng prinsipyo.

Matatandaan na napakainit na suporta ang sumalubong sa Tropang Leni-Kiko nang sila ay nagsagawa ng People’s Rally sa New Malolos City Hall noong nakaraang linggo, kung saan 45,000 na mga Bulakenyo ang nakilahok sa pagtitipon. - Angie dela Cruz

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with