Mga ‘di nakuhang passport noong 2020, kakanselahin na ng DFA
MANILA, Philippines — Simula Enero 10, 2022 ay kakanselahin na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga hindi pa nakukuhang passport na nauna nang ini-release noong Disyembre 2020.
Maaari namang makuha ito hanggang Enero 7, 2022 sa DFA Consular Office kung saan sila nagsagawa ng proseso.
Para naman sa mga hindi makakukuha ng kanilang passport, kakailanganing mag-file ng bagong passport application pagka-secure ng ‘certificate of unclaimed passport’ galing sa DFA Aseana o DFA Consular Office na pinagprosesuhan.
Ang naturang anunsyo ay base sa kautusang DFA Department Order No. 2021-012 sa Disposal of Unclaimed and Spoiled Passports kung saan nakasaad na “a passport left unclaimed by its holder one year after the date it was received by DFA Aseana, or by the Consular Office or by the Foreign Services Post (FSP) shall be canceled.”
Nilinaw rin ng pamunuan na hindi kasali rito ang mga passport na nailabas pagtapos ng Disyembre 2020.
- Latest