^

Police Metro

Pumatay sa Vice mayoralty bet sa Cavite, sumuko

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumuko sa mga pulis ang umano’y bumaril at nakapatay sa kandidatong bise alkalde sa bayan ng Maragondon sa lalawigan ng Cavite.kahapon ng madaling araw.

Ang sumukong suspek ay kinilalang si Robert Amoranto, nasa hustong gulang, residente ng Lavanya Subdivision Brgy. Bacao 2,Gen. Trias City, Cavite.

Nabatid na nakatanggap ng tawag si Congressman Jonjon Ferrer mula sa kaanak ng suspek na gusto nitong sumuko sa pulisya sa takot na may mangyaring masama sa kanya.

Magugunitang binaril ng suspek ang biktimang si Nolito Angeles Magallanes, alias Vice Pogi, 54-anyos, may-asawa, residente ng Maragondon, Cavite at kasalukuyang kumakandidatong vice mayor ng nasabing bayan.

Nag-ugat ang pagpatay nang sitahin ng suspek ang sasakyan ng biktima na nakaparada sa basketball court ng subdivision na nakakaistorbo umano sa paglalaro ng mga residente dito kung saan ang suspek ay security officers ng HOA ng subdibisyon.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na agad namang naawat hanggang sa kinagabihan ay nagkaroon ng inuman na magkasama ang biktima at suspek na kung saan ay naungkat ang pagtatalo nila ng umaga.

Pag-uwi ng biktima sa bahay ay sinundan ito ng suspek na kapitbahay nito at dito na pinagbabaril hanggang sa mapatay.

vuukle comment

KILLER

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with