^

Police Metro

Modus sa ‘passport appointment’ bubusisiin ng PNP

Joy Cantos - Pang-masa
Modus sa �passport appointment� bubusisiin ng PNP
“Nakarating sa amin ang paghingi ng tulong ng Department of Foreign Affairs tungkol sa laganap na pagbebenta ng passport application appointment slots sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Facebook,” pahayag ni Eleazar.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang modus operandi ng “Passport Appointment slots for a fee” sa social media.

Partikular na inatasan ni Eleazar ang PNP Anti-Cybercrime Group na alamin ang mga napaulat na pages sa social media na nag-aalok ng passport appointments slots na may kaukulang bayad.

“Nakarating sa amin ang paghingi ng tulong ng Department of Foreign Affairs tungkol sa laganap na pagbebenta ng passport application appointment slots sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Facebook,” pahayag ni Eleazar.

Una rito, hiniling ni DFA Undersecretary Brigido Dulay sa PNP at  National Bureau of Investigation (NBI) na alamin kung sino ang nasa likod ng Facebook pages at grupo na nag-aalok ng mabilisang passport appointment sa pagpo-proseso ng mga nag-a-apply para makakuha ng passport. Ayon sa DFA, ang appointment slots sa lahat ng consular services ng kanilang tanggapan ay libre o walang bayad.

Hiniling na rin ng DFA sa FB na tukuyin at tanggalin na ang accounts ng nasabing mga mapagsamantalang indibiduwal o grupo para hindi na ang mga ito makapambiktima pa sa publiko sa serbisyong kung tutuusin ay libre.

vuukle comment

DFA

PASSPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with