^

Police Metro

Ilang nurses sa PGH nagbitiw na rin

Danilo Garcia - Philstar.com

MANILA, Philippines — Pagkatapos magbitiw ng 11 doktor sa Philippine General Hospital (PGH) ay nagbitiw na rin ang ilang nurses dito dahil sa umano’y sobrang pagod sa pag-apaw ng pasyente na may COVID-19.

“May halong pagod...Medyo nakaka-overwhelm din yung trabaho sa PGH...at siguro yung iba rin baka nagkakasakit,” ayon kay Philippine General Hospital spokesperson Dr. Jonas del Rosario.

Nilinaw din ng doktor na ang 11 doktor na kinuha ng Department of Health (DOH) para sa PGH ay hindi na pumirma ng kontrata nang mapaso na ito. May natitira pang 11 doktor buhat sa DOH na nakatalaga sa PGH.

“Iba ang schedule ng residency training sa PGH eh. Maybe they are looking at other hospitals where they can look for their residency,” paliwanag pa ni Del Rosario.

Inamin ni Del Rosario na labis na makakaapekto ang pagkawala ng mga doktor at nurses sa pagtrato nila sa mga pasyente na kung saan ay nasa 65%-75% ng kanilang mga pas­yenteng may COVID-19 ang severe at kritikal ang kalagayan.

Kahapon ay puno pa rin ang lahat ng COVID-19 beds ng PGH maliban sa isang OB bed. Habang mayroon pang anim na COVID patients na nananatili sa Emergency Room at isolation room na naghihintay ng bakanteng higaan.

Para sa mga walk-in na pasyente na dumara­ting, naglagay ang PGH ng mga oxygen tanks sa labas upang matulungan sila sa paghinga.

vuukle comment

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with