^

Police Metro

Higit 1,000 OFWS stranded sa Dubai

Malou Escudero - Pang-masa
Higit 1,000 OFWS stranded sa Dubai
Kinumpirma ni Consul General Paul Raymund Cortes sa isang panayam na mahigit na sa 1,000 na OFWS ang kasalukuyang stranded sa Dubai.
The STAR/Edd Gumban

Dahil sa travel restrictions sa Pinas

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Konsulada ng Pilipinas sa United Arab Emirates na mahigit 1,000 overseas Filipino wor­kers (OFWs) sa Dubai ang hindi makauwi sa bansa matapos ang kanselasyon ng biyahe ng mga eroplano dahil sa ipinatutupad na travel restrictions sa Pilipinas.

Kinumpirma ni Consul General Paul Raymund Cortes sa isang panayam na mahigit na sa 1,000 na OFWS ang kasalukuyang stranded sa Dubai.

Ayon pa kay Cortes, ang mga OFWs ay nasa pangangalaga ngayon Philippine Consulate General sa Dubai.

Nabatid na kinansela ang mga biyahe noong Mayo na pinalawig hanggang Hunyo 30 bilang pag-iingat laban sa mas nakakahawang variant ng COVID -19.

Matatandaan na inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng gobyerno ang pagpapalawig ng travel restrictions sa mga biyahero mula sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at  Oman hanggang Hunyo 30, 2021.

Samantala, sinabi ng Department of Health na dapat maiwasan na ma­ging dominant ang Delta variant sa bansa na unang nakita sa India kaya dapat maging mahigpit ang pagbabantay sa mga borders.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat na ipatupad ang mga preventive measures upang maiwasang mangyari sa Pilipinas ang nangyayari sa ibang bansa na nagkakaroon muli ng pagtaas ng kaso ng COVID -19 dahil sa Delta variant. - Ludy Bermudo

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with