Independence Day, ginunita sa Rizal Park
MANILA, Philippines — Ipinagdiwang sa Maynila sa pangunguna nina Mayor Isko Moreno at Justice Secretary Menardo Guevarra ang ika-123 Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Ermita, Manila nitong Sabado ng umaga.
Nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose Rizal ang dalawang opisyal matapos ang flag-raising ceremony.
Lumahok din sa programa sina Rene Escalante, pangulo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, at Cecille Romero ng Komite sa Pagpapaunlad ng mga Pambansang Liwasan.
Video message na lang ang ipinadala sa okasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na piniling sa selebrasyon din sa Bulacan ng Independence Day magtungo para sa pagpupugay sa iniambag na sakripisyon nina Gregorio at marcelo H. Del Pilar.
“The challenges of past years have tested our character as a nation. Each of us have been called upon to be heroes in our right, fighting for our survival and devoting ourselves to the common good just as our heroes did more than a century ago,” ayon sa mensahe ng Pangulo.
“We will overcome the challenges brought by this pandemic,” dagdag ng Pangulo.
Itinulad naman ni Moreno sa kanyang mensahe ang mga frontliners ng lungsod sa mga bayani ng bansa sa patuloy na sakripisyo ngayong nararanasang ang pandemya sa COVID-19.
- Latest