PNP naglunsad ng Nationwide Barangayanihan Help and Food Bank
MANILA, Philippines — Para mahatiran ng tulong ang mga naghihirap na mamamayan ay pinangunahan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang simultaneous launching ng Nationwide Barangayanihan Help and Food Bank project sa iba’t ibang regional police offices sa buong bansa.
Ang pamamahagi ng ayuda ng PNP ay kanila pang pinalawak na noon ay isinasagawa sa mga piling police station lamang.
Ipinarada ang mga donasyon ng iba’t ibang PNP units dito sa Camp Crame kabilang ang mga trak ng mga sako ng bigas, delata, gulay at iba pa.
Mayroon ding mga medical supplies na donasyon ng iba’t ibang stakeholders.
Nabatid na sa ilalim ng Barangayanihan, namamahagi ang PNP ng mga pagkain sa mga indibidwal na apektado ng pandemya.
- Latest