Pasaway sa health protocols bibigyan ng face mask
MANILA, Philippines — Bibigyan na lamang ng face mask ang mga indibiduwal na mahuhuling lumalabag sa health protocols.
Ayon kay Senador Bong Go, sa permiso ni Pangulong Duterte ay kinausap niya si incoming PNP chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar at Trade Secretary Ramon Lopez tungkol dito.
Sinabi ni Go na ang napagkasunduan nila ay bibigyan muna ng face mask ang mga indibiduwal na maaresto bago ikulong, pauwiin at malektyuran dahil baka sa selda magkahawaan ng COVID-19.
Matatandaan na noong Miyerkules ng gabi, ipinag-utos ni Pangulong Duterte na arestuhin ang mga hindi maayos magsuot ng face mask at ikulong ng 9 na oras.
Paliwanag ni Go, maaaring mayroong walang pambili ng face mask at maaari rin na talagang pasaway kaya hindi nagsusuot o hindi maayos magsuot ng mask.
- Latest