^

Police Metro

Guro ipinalaglag ang pinagbubuntis, ipinakulong ng mister

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi matanggap ng isang mister ang ginawang pagpapalaglag ng kanyang misis sa pinagbubuntis nilang anak kaya’t ito ay kanyang ipinakulong.

Sa bisa ng  warrant of arrest na inisyu ni Navotas Metropolitan Trial Court (MTC) Judge Frederick G. Separa ng Branch 118, sinampahan ng paglabag sa Article 256 ng Revised Penal Code o intentional abortion ang guro na hindi na muna pinangalanan.

Ayon kay Northern Police District (NPD) District Special Operation Unit (DSOU) OIC P/Maj. Amor Cerillo, maliban sa paglabag sa Article 256, nag-isyu rin si Judge Separa ng isa pang warrant of arrest kontra sa school teacher para sa simple disobedience na may petsang December 9, 2020.

Siya ay inaresto ng mga tauhan ng DSOU sa pangu­nguna ni P/Sgt. Allan Reyes sa Champaca St., NBBS Proper, Navotas City, ala-1:40 ng hapon.

Sinabi ni Cerillo na bago ang isinampang kaso para sa intentional abortion ay una nang nagsampa ng kaso ang guro laban sa kanyang mister ng paglabag sa R.A. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act matapos umano siyang bugbugin nito.

vuukle comment

ABORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with