^

Police Metro

3 Indonesian na dinukot, nasagip

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nailigtas kamakalawa nang pinagsanib na puwer­sa ng AFP at PNP sa Pasigan Island, South Ubian, Tawi-Tawi ang tatlong Indonesian na dinukot sa Malaysia noong nakaraang taon.

Nakilala ang mga biktima na sina Arizal Kasta Miran, 30; Arsad Bin Dahlan, 41 at Andi Riswanto, 26  pawang mga residente ng Kabupaten Wakatobi, Sulawesi Tengara, Indonesia habang  nadakip naman ang Abu Sayyaf member na si Suhud Salasim, alias Ben Wagas, 45 ng Maimbung, Sulu.

Ayon kay Wesmincom Commander Lieutenant General Corleto Vinluan, Jr. ang tatlong Indonesian ay kabilang sa limang Indonesian, na dinukot ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa karagatan ng Tambisan, Malaysia noong Enero 15, 2020.

Batay sa report ng PNP Command  Center, sinabi ni Police Lieutenant Ge­neral Guillermo Lorenzo Eleazar na dakong alas-5:30 ng hapon nang makatanggap ang Tandubas MPS ng impormasyon na may taong nakaligtas sa banggaan sa Pasigan Laut, South Ubian, Tawi-Tawi.

Agad na tinungo ng MPS ang lugar at naberipika ang impormasyon na ang mga Indonesian na sakay ng lumubog na motorboat ay dinukot ng pitong armadong kalala­kihan na pinaniniwalaang miyembro ng ASG noong Enero 15, 2020 sa Tambisan, Sandakan, Sabah habang nangingisda.

Lumilitaw na walo ang dinukot ng mga ASG, suba­lit tatlo ang agad na pinalaya sa hindi malamang dahilan habang napatay naman sa gitna ng labanan ang isang Indonesian. —Rhoderick Beñez

 

vuukle comment

KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with