Ipagpaliban muna ang pagtataas ng singil sa ATM transaction
MANILA, Philippines — Ipagpaliban muna ang paniningil ng mas mataas na transaction fees sa Automated Teller Machine (ATM) sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Ito ang naging panawagan ni Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera sa mga bangko.
“We must give workers and hardworking Filipinos the tools they need to recover from the pandemic and that includes making sure they can keep their money in their own pockets and out of the hands of banks to cover unnecessary fees,” ayon kay Herrera.
Nabatid na alinsunod sa memorandum na inisyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga ATM users ay magbabayad ng dagdag na singil sa bawat transaksyon depende sa rates ng mga bangko sa kanilang mga ATM machine simula sa Abril 7.
Simula sa Abril 7 ng taong ito ang ATM withdrawal fees ay inaasahang tataas mula sa P10 ay magiging P18 na ito sa bawat transaksyon.
Hiling ni Herrera na tiyakin sa mga bangko na hindi muna magtataas ng singil sa ATM transaction lalo na at hindi pa nagbabalik sa normal ang pinansyal na estado sa bansa.
- Latest