^

Police Metro

Pag-atake sa human rights lawyer sa Iloilo, iimbestigahan sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisiyasatin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang naganap na brutal na pag-atake sa Iloilo City laban sa isang abogado na kabilang sa 37 na nagpetisyon at kumukuwestiyon sa legalidad ng Anti-Terrorism Act sa Korte Suprema.

Ito’y matapos namang maghain ng resolusyon ang walong mambabatas para imbestigahan ng Kamara ang brutal na pag-atake kay Atty. Karlo Guillen, Secretary General ng National Union of People’s Lawyer sa Panay.

Kabilang sa mga naghain ng resolusyon sa House Committee on Human Rights ay sina 1st District Albay Rep. Edcel Lagman, 6th District Quezon City Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, Arlene Brosas, France Castro at Sarah Jane Elago.

Si Guillen ay hinarang at pinagsasaksak ng screwdriver ng dalawang lalaki sa Gen. Luna Street, Iloilo City noong Marso 3 ng gabi habang pauwi sa kanilang tahanan. Ang mga suspek ay nakasuot ng face mask at nakasumbrero na nakunan pa ng CCTV ang pagtangay nila sa bag at laptop ng abogado na naglalaman ng files sa mga kasong hawak nito.

Nabatid na una nang na-red tag si Guillen matapos nitong ipagtanggol ang 16 miyembro ng mga katutubong Tumandok na nasakote sa Capiz at Iloilo noong Disyembre 30 ng nagdaang taon. Ang nasabing mga katutubo ay kinasuhan ng illegal possession of firearms and explosives  at umano’y may ugnayan sa CPP-New People’s Army (CPP-NPA).

vuukle comment

ANTI-TERRORISM ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with