Quezon City inilunsad ang basura palit grocery
MANILA, Philippines — Inilunsad ng Quezon City local government ang “trash to cashback” plastic waste trading program ng Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD).
“The program’s main objective is to promote to our QCitizens the importance of recycling and proper waste segregation. Kapag dinala nila sa ating Trash to Cashback kiosk ang kanilang recyclable materials,pwede nila itong ipalit sa grocery,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.
Nailagay ang My Basurero Eco-Community (MBE-C) kiosk sa QC Hall Risen Garden na ang mga empleyado ay maaaring magpapalit ng kanilang recyclable waste tulad ng plastic, papel at metal sa groceries.
Ang programa ay ginawa makaraang ipagbawal ng tuluyan ang paggamit ng plastic bag sa lungsod.
- Latest