^

Police Metro

Walang korapsyon sa PMVICs - DOTr

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalagan ng Department of Transportation (DOTr) ang akusasyon ni Senator Grace Poe na may korapsyon sa isyu ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs).

Sabi ng ahensya, ina­kusahan sila ni Poe ng hindi paglalabas ng formal order ukol sa pagpapahinto na mandatory ang pagkuha sa PMVICs kung magpaparehistro ng sasakyan kahit na naglabas sila ng kautusan ukol dito.

Sa katunayan, nagsumite ang Land Transportation Office (LTO) sa UP Law Center ng kopya upang mailathala ito kahit hindi naman kailangan.

Iginiit din ng transport department na, simula nang ianunsyo ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ang kautusan ay nagsagawa sila kaagad ng virtual press conference upang ipaalam ito sa publiko.

Ipinaliwanag na rin anila ang mga sinasabing iregularidad gayundin naisumite na ang mga kinakailangang mga dokumento kasama ang live stream video footages ng aktwal na accreditation process.

Sinopla rin ng DOTr si Poe sa ginawa nitong pagkwestyon sa programa dahil sa walang naganap na bidding na hindi naman kailangan dahil walang sangkot na pondo ng bayan sa PMVIC.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with