Face-to-face classes itinutulak sa Senado
MANILA, Philippines — Isang resolusyon ang inihain ni Senate Presidente Vicente “Tito” Sotto III na nanawagan para sa pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.
Sa kanyang Senate Resolution No. 663, ipinunto ni Sotto na kailangang makahabol ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa mga kapitbahay na bansa sa Southeasg Asia.
Ayon pa kay Sotto, hindi maganda ang performance ng mga estudyanteng Filipino sa mga international assessments bago pa magkaroon ng pandemic.
Idinagdag ni Sotto, na walang makakapalit sa face-to-face classes na solusyon sa humihinang edukasyon.
Naniniwala si Sotto na napag-iiwanang lalo ang mga estudyanteng Pinoy sa blended learning method na ginagamit ngayon pandemic lalo pa’t maraming estudyante ang wala namang access sa mga internet gadgets.
- Latest


















