^

Police Metro

11K katao inilikas sa CARAGA Region at Davao de Oro

Joy Cantos - Pang-masa
11K katao inilikas sa CARAGA Region at Davao de Oro
Ayon kay April Rose Sanchez, Spokesperson sa Office of Civil Defense –CARAGA kabilang sa mga inilikas ay nasa 1,951 pamilya na binubuo ng 6,453 katao sa Surigao del Norte kung saan nagbabad­yang tumama dito ang bagong Auring ngayong araw, Pebrero 21.
AFP/Ed Jones

Landslides, flash floods banta sa bagyong Auring

MANILA, Philippines — Nasa 11,000 katao ang inilagay sa ligtas na lugar kahapon sa CARAGA Region at Davao de Oro sa pagsisimula ng ikinasang pre-emptive evacuation dahil sa banta ng malalakas na pag-ulan na dulot ng bagyong Auring na posibleng magdala ng flashflood at landslide sa mga peligrosong lugar doon.

Ayon kay April Rose Sanchez, Spokesperson sa Office of Civil Defense –CARAGA kabilang sa mga inilikas ay nasa 1,951 pamilya na binubuo ng 6,453 katao sa Surigao del Norte kung saan nagbabad­yang tumama dito ang bagong Auring ngayong araw, Pebrero 21.

Nasa 3,089 katao naman ang inilikas mula sa Surigao del Sur; 790 sa Dinagat Islands, 28 sa Agusan del Norte habang ang iba pa ay mula sa Butuan City.

Sa Davao de Oro, nasa 1, 483 katao rin ang inilikas sa mga bayan ng New Bataan at Mawab na nakararanas ng malalakas na pag-ulan at hangin na nagdulot ng landslide sa kahabaan ng highway ng Brgys. Cambagang, New Manay ; pawang sa bayan ng Maragusan.

Sa inisyal na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga inilikas na naninirahan malapit sa tabing dagat at mga paanan ng bundok sa CARAGA Region ay pansamantalang kinakanlong sa 36 eva­cuation centers.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na ipinagbabawal muna ang paglalayag at pangingisda dulot ng masamang panahon na posibleng lumikha ng storm surge o daluyong.

Kahapon, nakataas ang Tropical cyclone wind signal number 1 sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Negros Oriental, Bohol, and Siquijor, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon at  Lanao del Sur

Ngayong Linggo, si Auring ay nasa layong  240 kilometro ng silangan ng  Southeast ng  Surigao City, Surigao del Norte at sa Lunes ay nasa layong 80 kilometro ng silangan ng  Roxas City, Capiz at sa martes ay nasa layong 30 kilometro ng silangan ng  Coron, Palawan. – Angie dela Cruz

vuukle comment

EVACUATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with