^

Police Metro

Meat vendors sa Metro Manila nag-‘pork holiday’

Malou Escudero - Pang-masa
Meat vendors sa Metro Manila nag-�pork holiday�
Ayon kay Manila Market Administration Office director Zenaida Mapoy na 17 public market sa Maynila ang nagsagawa ng kanilang ‘pork holiday’.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Dahil sa tinututulan ang ipinatutupad na “price ceiling” ng pamahalaan ay mara­ming mga palengke sa Metro Manila na nagtitinda ng karne ng baboy at manok ang nagsagawa ng “pork holiday”.

Ayon kay Manila Market Administration Office director Zenaida Mapoy na 17 public market sa Maynila ang nagsagawa ng kanilang ‘pork holiday’.

Anya, ilang meat vendors ang nagtinda pa ng stock nilang suplay kahapon ng umaga sa San Andres Market at Quinta Market ang hindi na nagtinda kinahapunan.

Marami ring pork stalls sa mga pamilihang katulad ng Balintawak sa QC; Divisoria, Trabajo at mga pork stalls sa Metro Manila ang nakiisa sa pork holiday kahapon.

Kaya’t umapela si Presidential Spokesman Harry Roque sa nagtitinda ng baboy sa Metro Manila na nakiisa sa “pork holiday” dahil sa pangamba na mabangkarote sa gitna ng ipinatupad na price freeze ng pamahalaan na ipagpatuloy na ang kanilang pagtitinda.

“May mga grupo na nag-declare ng pork holiday, meron din pong nanawagan ng pagkain ng alternative protein sources. Sinusuportahan po natin iyong panawagan for consuming alternative protein sources, pero nakikiusap po kami sa mga nagtitinda ng baboy na ipagpatuloy n’yo po ang pagtitinda,” ayon kay Sec. Roque.

Ikinasa ang pork ho­liday sa unang araw ng implementasyon ng price ceiling na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang tugon sa naging kahilingan ng Department of Agriculture (DA).

Sa Executive Order 124 na nilagdaan ng Pa­ngulo, itinakda ang presyo ng kasim/pigue ng baboy sa P270 kada kilo, samantalang ang liempo ay P300 kada kilo.

Ang presyo naman ng dressed chicken ay hindi dapat lumampas sa P160 kada kilo.Ang nasabing price ceiling ay epektibo sa Metro Manila sa loob ng 60 araw.

Para naman kay Sec. Roque, inaasahan na ng gobyerno na ganito ang magiging tugon ng mga pork vendor, subalit kailangan din na ikonsidera ng mga ito ang tulong na magmumula sa pamahalaan. - Danilo Garcia, Angie dela Cruz

vuukle comment

PORK PRODUCTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with