^

Police Metro

34 nagpositibo sa COVID-19 2nd testing effort sa Kamara

Doris Franche - Pang-masa
34 nagpositibo sa COVID-19 2nd testing effort sa Kamara
Ayon kay Secretary General Mark Llandro Mendoza, ang bagong COVID-19 cases na naitala sa Kamara ay katumbas ng positivity rate na 1.19 percent, mababa kung ikukumpara sa 5-percent positivity rate na naitala sa kanilang unang mass testing.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa ikalawang mass testing laban sa COVID-19 ang nasa 34 katao  mula sa 2,848  na empleyado ng  Kongreso 

Ayon kay Secretary General Mark Llandro Mendoza, ang bagong COVID-19 cases na naitala sa Kamara  ay katumbas ng positivity rate na 1.19 percent, mababa kung ikukumpara sa 5-percent positivity rate na naitala sa kanilang unang mass testing.

Nabatid na ang mga sumailalim sa 2nd mass testing ay pawang asymptomatic at sumailalim na rin sa isolation para maiwasan ang pagkalat pa lalo ng coronavirus.

Kaagad naman din aniyang nagsagawa nang tracing sa mga nakahalubilo ng mga ito.

Mula Nobyembre 10 hanggang 20 noong nakaraang taon, isinagawa ng Kamara ang unang mass testing initiative nito, halos isang buwan matapos na maupo sa puwesto si Speaker Lord Allan Velasco.

Kabuuang 98 sa 2,000 House members at em­pleyado ang nagpositibo sa COVID-19 sa unang round ng mass testing, kung saan lahat ng mga ito ay pawang naka-recover na.

vuukle comment

COVID-19

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with