^

Police Metro

Media workers welfare bill pasado na sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pasado na sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong bigyang proteksyon at seguridad sa trabaho ng mga mamamahayag sa bansa.

 Ito ang inihayag ni ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran matapos na maipasa sa huli at ikatlong pagbasa ang House Bill (HB) 2476 o ang Media Workers Welfare Bill  na kaniyang iniakda.

Sa botong 218-0-0 pi­na­bilis ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsasabatas sa panukala ni Taduran.

“Wala nang makapang-aabuso sa mga manggagawa sa media kapag naging ganap nang batas ang Media Workers Welfare Bill,” ayon kay Taduran.

 Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng manggagawa sa media ay bibigyan ng suweldong naaayon sa batas, magkakaroon ng security of te­nure o hindi basta tatanggalin sa trabaho, makakakuha ng overtime at hazard pay, kasama pa ang insurance at iba pang benepisyo.

Samantalang ang mga na-assign para mag-cover sa mapanganib na pangyayari ay bibigyan ng dagdag na P500 na bayad kada araw ng coverage. Bibig­yan din ng death at disability benefits na nagkakahalaga ng P200,000 ang maaapek­tuhang manggagawa sa media.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with