^

Police Metro

Duterte bibigyan ng kapangyarihan ng Kongreso para suspendehin ang PhilHealth, SSS rate hikes

Joy Cantos - Pang-masa
Duterte bibigyan ng kapangyarihan ng Kongreso para suspendehin ang PhilHealth, SSS rate hikes
Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, naghain siya ng dalawang magkahiwalay na panukalang batas upang bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na isuspinde muna ang nasabing plano ng PhilHealth at SSS sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.
STAR/File

MANILA, Philippines — Upang suspendehin ang nakatakdang pagtataas ng singil sa kontribusyon ng PhilHealth at Social Security System (SSS) ngayong taon sa panahon ng ‘national emergencies’ sa bansa ay nais ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, naghain siya ng dalawang magkahiwalay na panukalang batas upang bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na isuspinde muna ang nasabing plano ng PhilHealth at SSS sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.

Ang dalawang panu­kalang batas ay naglala­yong amyendahan ang Re­public Act (RA) 11223  o ang Universal Health Care Act at RA 11199 o ang The Social Security Act of 2018 na nagkakaloob ng taunang pagtaas sa buwanang kontri­busyon sa premium sa PhilHealth at SSS.

Sa ilalim ng nasabing mga panukalang batas ma­aaring konsultahin ng Pangulo ang Kalihim ng Department of Health, Department of Finance bilang Chairpersons ng PhilHealth at SSS para isuspinde ang implementasyon ng nakatakdang pagtataas ng premium rates sa panahon ng national emergencies.

Binigyang diin pa ni Velasco na malinaw ang layunin ng panukalang batas para sa panganga­ilangan  ng mga Pinoy sa komprehensibong health services na abot kaya pero mataas ang kalidad at ma­kakatugon sa panganga­ilangan.

Binigyang diin pa ni Velasco, bago pa lamang  nakakabangon ang mga Pilipino sa matinding epekto ng COVID-19.

vuukle comment

PHILHEALTH

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with